Monday, November 17, 2008

wishlist ko sa pasko

ilang days ding sale sa trinoma at isa lang ang obserbasyon ko! sayang ang gas at oras kasi grabe ang traffic papasok sa mall at napakahirap magpark! mahilig talaga ang pinoy sa SALE! kahit saan naman siguro, e nakadisplay kasi na up to 50% discount! pero actually mostly 10% lang!

hindi naman talaga ako makikigulo sa sale, dinala ko lang si Raphael sa Diego show, basta mga ganyan para kay Raph di ko pinapalampas! kahit na ba na-hassle ako at kailangan i-claim ang tickets the day before the show, na pwede mo lang ma-avail pag may at least 1,000 purchase ka sa trinoma, timing naman na naka-schedule talaga ako mag-grocery sa landmark last week. kaya in other words, 3 days akong pabalik-balik sa trinoma.

last saturday 1pm ang sked na pinili ko sabi ko para maaga-aga pa la pa masyadong tao! pero mali ako! buti na lang binaba ko na sina Raph, yaya at jessica sa lobby para hindi ma-late sa show...true enough inabot ako ng siyam-siyam bago makahanap ng parking space, hayun at pa-exit na si Diego nang makasunod ako sa kanila. di ko mai-imagine ang disappointment ni Raph kung hindi niya naabutan ang show!

haay tukso talaga ang sale! sabi ko ayoko makigulo! but then i had to buy some basics for the house, at nakabili na rin ako a few stuffs for my boys.

as usual wala para sa sarili ko! BUT if i were to buy for myself, kailangan ko ng mahabang oras, dahil hate na hate ko nagmamadali pag nags-shopping (na madalas nangyayari dahil lagi akong bitin sa oras)! at mahabang oras for fitting na rin na napakahirap gawin pag sale kasi pila sa mga fitting room, at siyempre malaking cash (or debit card budget, ayoko credit card) kasi hindi biro ang mga gusto kong bilhin:

1. a big plasma or flat tv: well-decorated na kasi with christmas lanterns ang house pero eyesore ang jurassic na tv sa sala haha; tas yung tv naman sa bedroom malaki nga pero super space-consuming pati speakers jurassic sa laki!

2. a canon or nikon SLR camera: picture-addict ako lalo na kay bagets! iba talaga ang pics pag "pang-propeysyonal" ang camera, pangarap ko to e!

3. a macbook: parang gusto ko nang mag-switch sa mac, less prone sa virus at gusto ko mag-edit nang mag-edit ng videos ni raph at pics namin na mas madali daw gawin sa mac.

4. nice sheets and comforters: haay sarap matulog sa sobrang lamig na room with crisp high-threadcount sheets & snuggly comforters (at tama ka piper, iba pag white & marshmallowish)

5. modern kitchen tools/gadgets: gusto ko maging kitchen diva at siguradong nakakaganang magluto pag maganda ang gamit sa kitchen

6. new sets of wardrobe (na dapat post-diet ang size e pano mangyayari yon di pa ko nag da-diet); and sexy pairs of shoes & bags (na malamang minsan ko lang magagamit haha)

7. a new but user-friendly cellphone: hay naku natatakot ako na one of these days baka magcrash na naman ang jurassic motorolla phone ko

(pero habang sinusulat ko to, ang dami kong naiisip na gusto ko ibigay para sa dalawa kong boys, ay naku mahirap magwish para sa sarili mo lang)

sana mabasa to ni Santa Claus o ng mga ninong at ninang ko para matupad ang wishlist ko sa pasko! di nga, i'm serious! hehe

4 comments:

Glenn Ala said...

i am so with you in this. in fact, i am claiming the same things for myself! hahaha! it's just a matter of time.

and again, it's yours, muff!

PIPER said...

flat tv ? tama para sa condo mo
slr cam? ako ayaw, ok na ko sa phone camera haha
macbook? dapat matagal na to
nice sheets? agreeng agree!!!!
modern kitchen....? ako din! gusto ko yung walang flame kasi yung kay glenn, tumutunog pag binubuksan! katakot!
new wardrobe? ako din! post diet clothes!
cellphone ? sana lang wag mawala noh. hahahaha

Anonymous said...

it would be so nice if we could wish for things like these and actually get it no?...(w/ matching buntong hininga, hehe)

TripleRRR said...

hahaha! kaya afraid ako bumili baka mawala hahaha! in fairness, pinakamatagal na ata itong pink motorolla sa kin kaya love ko siya!

sunshine54, thanks for visiting my site. yup i soo agree! (with a sigh too hehe!

my music::